Thursday, February 12, 2026

3 suspek sa large-scale illegal recruitment at human trafficking na nambibiktima sa mga Pinoy patungong Cambodia, arestado ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang tatlong suspek sa large-scale illegal recruitment at human trafficking operations na bumibiktima sa mga Pilipino patungong Cambodia.

Ayon sa NBI, ang tatlong suspek ay kabilang sa napauwi sa bansa sa pamamagitan ng repatriation program mula sa Cambodia.

Nabatid na nire-recruit ng mga suspek ang mga biktima sa pamamagitan ng social media at pinapangakuan ang mga ito ng trabaho.

Pero pagdating sa Cambodia, agad na kinukumpiska ang kanilang passport , ikinukulong sa isang compound at inuutusan na mang-scam sa mga dayuhan.

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong Large-Scale Illegal Recruitment ,Qualified Trafficking in Persons at Use of Falsified Documents.

Facebook Comments