Sunday, February 1, 2026

3 suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis at sa kaniyang walong taong gulang na anak, isinailalim na sa inquest proceedings; 2 counts ng robbery with homicide, isasampa ng Quezon City Police District laban sa kanila

Isinailalim na sa inquest proceedings ang tatlong suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang na anak na si John Ysmael Mollenido.

Pasado ala-singko ng hapon kanina nang ilabas sa Criminal Investigation and Detection Group ng QCPD ang tatlo upang dalhin sa QC Prosecutors office.

Dalawang kaso ng robbery with homicide ang isinampang kaso ng Quezon City Police District sa QC Prosecutor’s Office. 

Sa kaniyang pagharap sa media kanina, inginuso ng isa sa mga arestado na si Gil Valdemoro Dy Jr. sina Pia Katrina Panganiban at ang mister nito na si Christian Suarez na silang mastermind sa karumal-dumal na krimen.

Isiniwalat ni Dy na ipinatawag siya ng mag-asawa noong gabi ng Janury 16.

Aniya, inakala niya noong una na mayroong iuutos sa kaniya sa kanya, pero kalaunan ay sinabihan siya ng lalaking suspek na siya ay magbantay sa garahe ng bahay.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na ang babaeng itinuturo niyang mastermind kasama ang babaeng biktima.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakarinig siya ng malakas na putok mula sa speaker at sinundan ng malakas na putok ng baril.

Pagbukas niya ng pinto ay dito na niya nakita na patay na at nakahandusay ang babaeng biktima at nakita rin nito ang anak na binuhat at dinala sa bodega ng bahay.

Pinagbantaan daw siya ng mag-asawa na isusunod kung magsasalita ito kaugnay sa krimen.

Facebook Comments