3 tao, patay sa 6.4 magnitude na aftershock sa Mexico

Mexico City – Tatlo ang patay sa magnitude 6.4 na aftershock sa Mexico City, kasunod ng pagtama ng magnitude 7.1 na lindol noong setyembre a-otso.

Dahil sa panic, nahulog mula sa ikalawang palapag ng gusali ang 33-anyos na lalaki habang inatake naman sa puso ang dalawang babae na may edad na 83 at 52-anyos.

Halos hindi na makatulog o nato-trauma na ang mga tao sa Mexico dahil sa patuloy na mga aftershock.


Umabot na sa halos tatlong daan ang namatay sa nasabing lindol.

Facebook Comments