Agad nagpahayag ng suporta ang 1-Rider Party-list sa pagpapatupad ng Land Transportation Office o LTO ng tatlong taong bisa o validity ng rehistro para sa lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.
Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, ang naturang hakbang ng LTO ay lubos na papabor sa panig ng motorcycle community.
Sabi ni Gutierrez, malaking tulong ito sa mga nagmomotorsiklo sa bansa dahil gagaan ang proseso at transaksyon nila at hindi na kailangang magpabalik-balik pa sa LTO para lamang magparehistro.
Wala ring nakikitang problema si Rep. Gutierrez sa roadworthiness ng mga mas maliliit na motorsiklong bago kahit na iparehistro ng tatlong taon.
Ayon kay Gutierrez, tinatayang nasa dalawang milyon na bagong magpaparehistro ng motorsiklo na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiyang ito.