
Nasawi ang tatlong Philippine Coast Guard (PCG) Personnel matapos ang naganap na lindol sa Cebu City.
Ayon sa PCG, nasawi ang mga nasabing biktima matapos mag-collapse ang San Remegio Sports Complex sa lungsod ng Cebu.
Ang mga nasawi ay sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Jujay Mahusay at Apprentice Seaman Ert Cart.
Sinugod pa ang tatlo sa Bogo General Hospital ngunit sa kasamaang palad sila ay dineklara nang walang buhay.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Coast Guard sa pamilya ng mga nasawing personnel.
Facebook Comments









