
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng trimester sa school calendar sa mga pampublikong paaralan simula School Year 2026–2027.
Ayon sa pangulo, kailangang pabilisin ang mga reporma sa edukasyon upang masigurong tuloy-tuloy at hindi naaantala ang pagkatuto ng mga estudyante.
Sa ilalim ng bagong setup, babawasan ang dating apat na quarter ng school year at gagawing tatlong termino upang maiwasan ang siksik na schedule at mas maging maayos ang takbo ng mga aralin.
Gayunpaman, mananatili ang sapat na araw ng pasok at sisiguraduhing handa ang mga paaralan sa pagbabago, lalo na sa pagtulong sa mga estudyanteng nahihirapan.
Sabi ng pangulo, bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para palakasin ang kalidad ng edukasyon at gawing mas matatag ang sistema sa gitna ng mga aberya.










