3-Term Senator Loren Legarda, tiniyak ang pag-aksyon at pagresponde ng Kongreso sa kinahaharap na pandemya kahit naka-session break ang Kamara

Sa pagsasara ng sesyon sa Kamara ngayong linggo, tiniyak ni 3-Term Senator Loren Legarda na patuloy ang pag-aksyon at pagresponde ng Kongreso sa kinahaharap na pandemya ngayon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Legarda na sa nakaraang buwan naisabatas ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, na napakahalaga sa mga mamamayan lalo na para sa mga frontliner.

Aniya, naipasa na ng Kamara ang House Bill 8097 na naglalayong dagdagan pa ang matatanggap na benepisyo ng solo parents, ang House Bill 8461 at House Bill 8512 na nagpapahintulot sa pangulo na legal na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System at PhilHealth sa panahon ng national emergencies.


Kabilang din sa mga naipasa ang House Bill 8259 na naglalayong bigyan ng income tax relief ang mga medical frontliners para sa taxable year 2020 bilang pagkilala sa kanilang walang sawang pagseserbisyo sa sambayanan ngayong panahon ng pandemya.

Ipinaalala rin ni Legarda na dapat patuloy ang pagsunod at pagpapatupad ng mga health and safety protocols ng mga mamamayan matapos ang nababalitaang nakababahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagkalat ng mga bagong variants nito sa bansa.

Facebook Comments