3 timbog sa paggamit ng illegal drugs sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong kalalakihan matapos na mahulihan ng pinaghihinalaang shabu nang magsagawa ng simultaneous anti-criminality law enforcement operation ang Meisic Police Station Police Station 11 sa Gate 58, Area H, Barangay 275 Zone 25, Parola Compound, Binondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Jake Fiel 29-anyos, Mark Jason Walo 30-anyos at  Jessie Pagas 30-anyos, kapwa residente ng Area H, Gate 58 Parola Compound, Binondo, Manila.

Ayon kay Police Major Anthony Sy, nagsagawa sila ng sacleo sa naturang lugar nang maispatan na nagsusugal ng kara y cruz ang mga suspek at nang kapkapan nakuha sa kanilang pag-iingat P510, dalawang lighter, tatlong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at aluminum foil.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at PD 1602 o Illegal Gambling ang isasampang kaso ng MPD laban sa tatlong naaresto.

Facebook Comments