Ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na Mt. Everest ay tambak na rin ng basura.
Isang team ng volunteers ang nagsagawa ng malawakang clean-up sa bundok kung saan umabot sa tatlong toneladang basura ang nakolekta sa unang dalawang linggo.
Kabilang sa basurang nakuha ay mga lata, bote, plastic at climbing gears.
Inaasahang aabot sa 10 tonelada ang mahahakot nilang basura sa everest sa loob ng 45 araw.
Apat na bangkay rin ang narekober.
Mula noong 1922, aabot na sa higit 200 mountaineers na ang namatay sa peak at karamihan ay pinaniniwalaang natabunan ng glaciers o snow.
Facebook Comments