3 top associate justices ng Korte Suprema, awtomatikong pasok sa nominasyon para sa posisyon ng SC Chief Justice

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagbusisi para sa susunod na Chief Justice matapos patalsikin sa Korte Suprema si Maria Lourdes Sereno.

Awtomatikong nominado para sa posisyon sina acting Chief Justice Antonio Carpio, at Associate Justices Lucas Bersamin at Teresita De Castro.

Pero ayon sa JBC, kailangan pa ring magsumite ng senior justices ng sulat ng pagtanggap ng nominasyon.


Una nang tiniyak ng JBC na dadaan sa masusing review ang dokumento ng mga nominado sa posisyong binakante ni Sereno.

Itinakda naman sa Hunyo 26 ang deadline ng paghahain at pagkumpleto sa lahat ng mga requirements sa pagkapunong mahistrado.

Facebook Comments