3 Top Most Wanted Person sa Isabela, Arestado

196

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga alagad ng batas ang tatlong (3) most wanted Person sa municipal at provincial level sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip na ng pinagsanib na pwersa ng PNP Quezon at San Manuel sa bisa ng warrant of arrest ang itinuturing na Top 1 Most Wanted municipal level na si Oscar Gorespo, 54 taong gulang, walang asawa, mangingisda at residente ng Brgy. Estrada, Quezon, Isabela.

Si Gorospe ay nahaharap sa kasong panggagahasa na may kaukulang piyansa na Php200,000.00.

Dinala na sa Quezon police station ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Huli rin ng mga kasapi ng Palanan Police Station ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong pagnanakaw na kinilalang si Procino Cabaldo, 42 taong gulang, porter at residente ng Brgy. Bisag, Palanan, Isabela.

Nasa pangangalaga na ng PNP Roxas ang akusado at siya ay pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na Php10,000.00.

Natimbog rin ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa provincial level dahil rin sa kasong Panggagahasa.




Ang akusado ay nakilalang si Richard Ibarra, 27 taong gulang, laborer at residente ng Brgy. Annafunan, Echague, Isabela.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Echague ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments