Cauayan City, Isabela- Tatlong Top Most Wanted Persons sa Lalawigan ng Isabela ang matagumpay na naaresto ng kapulisan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanilang mandamyento de aresto.
Unang nadakip ng PNP Naguilian ang number 1 Top Most Wanted Person sa bayan ng Naguilian, Isabela at no. 2 at 3 Top Most Wanted Person sa bayan ng Cordon, Isabela kahapon, Enero 27, 2021.
Ayon sa ulat ni PMaj Merwin T Villanueva, hepe ng Naguilian PNP, kinilala ang suspek na si Joselito Danao, aka “Jun-Jun”, 25 taong gulang, may kinakasama, residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.
Siya ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Andrew U Barcena ng RTC Branch 17, Ilagan City, Isabela noong November 26, 2020 sa kasong Rape o panggagahasa at walang rekomendasyon para makapagpiyansa.
Ayon naman sa ibinahging impormasyon ni PMaj Alford Accad, hepe ng Cordon PS, dalawang binansagang Top Most Wanted Person ang nahuli, kung saan kinilala ang Top 3 Most Wanted Person sa nasabing bayan na si Julius Fernandez y Legazpi, 39 taong gulang, may asawa, manggagawa at residente ng Brgy. Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya.
Naaresto si Fernandez sa bisa ng mandamyento de aresto na inilabas ni Hon. Rogelio P Corpuz, Presiding Judge ng RTC Bayombong, Nueva Vizcaya noong Abril 30, 2010 sa kasong Carnapping na may rekomendasyong bail bond sa halagang Php300,000.00.
Ang tinaguriang Top 2 Municipal Level at Top 4 Provincial Level naman na naaresto sa Sitio Burburnay, Brgy. Duruarog, Diadi, Nueva Vizcaya ay kinilalang si Ronald Caagusan, 59 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Anonang, Cordon, Isabela.
Si Caagusan ay nahaharap sa kasong 2 counts na Statutory Rape at walang ipinalabas na rekomendasyon upang siya ay makapag piyansa.
Ang mga naturang Wanted persons ay dumaan sa booking procedure bago dalhin sa courts of origin.
Samantala, pinarangalan ni PCol James M Cipriano, Provincial Director ng Isabela PPO ang mga operatiba ng naturang pulisya at hinimok lahat ng kapulisan na paigtingin pa ang paghuli sa mga taong may sala sa batas at hiningi din niya ang kooperasyon ng mamamayan sa pagsugpo ng anumang krimen para sa mapayapang probinsya ng Isabela.