3 tripulante ng M/V Athens Bridge, naka-quarantine pa rin

26

Naka-quarantine pa rin ang tatlong tripulante ng M/V Athens Bridge, ang barkong galing India kung saan nagpositibo sa COVID-19 ang ilang Pinoy crew members.

Sa impormasyon mula sa Maritime Industry Authority (MARINA), kabilang sa mga tinamaan ng COVID-19 ang mismong kapitan ng barko at second engineer nito.


Habang nananatili pa rin sa ospital ang third officer na kabilang sa unang tinukoy ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa Indian variant.

Nabatid na sa 11 crew na nagpositibo sa COVID-19, siyam ang nakitaan ng B.1.617 variant.

Mula naman sa apat na tinamaan ng severe case ng virus, isa ang nasawi.

Facebook Comments