3 tulak ng droga arestado ng Cotabato City PNP

Kalaboso ang tatlong indibidwal sa ikinasang operasyon ng City PNP sa bahagi ng Almonte Extention pasado alas singko kahapon.

Pinangunahan mismo ni City PNP Director SSupt Victor Valencia ang operasyon resulta ng pagkakahuli ng mga suspeks na sina Dimas Basil, 42 anyos, Arvin Liones, 35 anyos at Butin Toyo 30 anyos.

Nakumpiskahan ng 25 sachets ng shabu ang mga naaresto.


Himas rehas na ang mga ito sa lock up cell ng station # 1.

Facebook Comments