3 warehouse sa Valenzuela City, ipinasara ng BIR!

56

Tatlong warehouse sa Valenzuela City ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong umaga.

Kabilang dito ang warehouse ng asukal, plastic at hardware supplies sa barangay karuhatan na pagmamay-ari ng gett enterprises, polymountain industrial corp. At yaflex hardware.


Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operation Group Arnel Guballa – hindi rehistrado ang mga nasabing establisyimento na paglabag sa Section 115 ng 1997 National Internal Revenue Code.

Bago ang pagsalakay, nagsagawa muna ng surveillance at inspeksyon ang BIR kung saan nadiskubreng iligal ang operasyon ng tatlong kumpanya.

Kahapon, punong-puno pa aniya ng mga sako ng asukal ang warehouse pero nang balikan ay wala na silang nadatnan.

Tiniyak naman ng opisyal na mananagot at pagbabayarin nila ng tamang buwis ang mga kumpanya.

Facebook Comments

From Advertisers