3-week interval ng vaccine doses para sa mga bata, mananatili ayon sa Vaccine Expert Panel

Mananatili pa rin sa 21 days o three-week interval ang pagtuturok ng second dose ng reformulated Pfizer vaccine para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

Ito ay kahit pa lumabas sa bagong pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na mas maganda ang magiging immune response kung 4 hanggang 8 linggo ang pagitan ng second dose ng bakuna para sa naturang age group.

Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) Chairman Dr. Nina Gloriani, hindi pa nakakarating sa kanila ang datos ng WHO kung kaya’t kailangan pa itong suriin bago magsagawa ng rekomendasyon na mas palawigin pa ang pagitan ng second dose at first dose.


Sa datos ng WHO, mas mataas ang effectivity rate ng bakuna kung mas matagal ang interval ng bawat doses at mas mababa naman ang potensyal na magkaroon myocarditis or pericarditis ang nabakunahan.

Ngunit paglilinaw ni Gloriani na sa ngayon ay susundin pa rin ng bansa ang mas maiksing interval upang mabalanse ang epekto ng Omicron variant.

Gayunpaman ay bukas ang VEP na ipatupad ito kung mapag-aaralan ang naturang datos.

Facebook Comments