3 Wheel na Bumaliktad sa Kalsada, 2 Patay; 6 Sugatan

29

Cauayan City, Isabela- Patay ang dalawang (2) katao na lulan ng three wheel habang sugatan ang anim (6) na iba pa matapos bumaliktad at maaksidente sa Brgy. Limbauan, San Pablo, Isabela.


Kinilala ang dalawang nasawi na sina Marivic Teppang, 45 anyos, Lourdes Natividad, nasa hustong gulang na kapwa residente ng Brgy. Limbauan sa naturang bayan.

Sugatan naman ang iba pang pasahero na sina Jessie Lazaro, Romelia Caruna; Perla Arugay; Edison Manguilin, 16 anyos, estudyante at Reynalyn Mariano na pawang mga residente rin ng Brgy. Limbauan.

Kasama rin sa mga sugatan ang drayber ng behikulo na si Rondy Paguigan, 24 anyos, may-asawa, construction worker at residente naman ng Brgy. Calamagui, San Pablo, Isabela.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP San Pablo mula sa isang concerned citizen na may nangyaring aksidente sa lugar na kinasangkutan ng mga biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 6: kagabi nang pauwi sa kanilang barangay ang mga biktima lulan ang three wheel na minamaneho ni Paguigan.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at hindi nito natansya ang pakurbang bahagi ng daan kaya’t bumaliktad ang kanilang sinasakyan.




Tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng sasakyan at nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa katawan at ulo.

Narespondehan naman ang nangyaring aksidente at agad na isinugod sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician sina Marivic Teppang at Lourdes Natividad.

Facebook Comments