Huli na ang pagsisisi ng isang 30-anyos na lalaking pumanaw sa coronavirus makaraang dumalo sa “COVID-19 party” sa Texas, USA.
Naniwala umano ang lalaki na “hoax” o kalokohan lang ang naturang sakit, kaya nakihalubilo ito sa pagtitipong inorganisa ng mga positibo sa virus, batay sa ulat ng KSAT noong Biyernes.
Ayon kay Dr. Jane Appleby, chief medical officer ng Methodist Hospital sa San Antonio, bago mamatay ay sinabi ng pasyente na, “I think I made a mistake.”
“He thought the disease was a hoax. He thought he was young and he was invincible and wouldn’t get affected by the disease,” saad pa ni Appleby.
Dagdag ng doktor, ganito rin daw ang paniniwala ng ilang bata-bata pa na walang kamay-malay sa epekto ng coronavirus.
“People will come in initially and they don’t look so bad. They don’t look really sick, but when you check their oxygen levels and you check their lab tests, they’re really sicker than they appear on the surface,” aniya.
Kaugnay nito, nagpaalala si Appleby sa ulat na huwag maliitin ang sakit at agad kumonsulta sa oras na makaranas ng sintomas.
“My plea to our community and especially all of our young folks in the community is to take it seriously. Wear your mask,” pakiusap ng doktor.
Sa tala sa buong mundo, higit 12 milyon na ang tinamaan ng COVID-19, at halos kalahating milyon ang pumanaw rito.