30 anyos na babae sa Iloilo City , nakuhaan ng P3.4-M halaga ng shabu

42

Arestado ang isang 30 anyos na babae sa Iloilo City matapos makuhaan ng 500 gramo ng shabu na may estimated value na 3.4 milyong piso.

Sa ulat ni Police Regional Office 6 Regional Director Pol. Brig. Gen. Rolando Miranda kay PNP Chief General Debold Sinas, ang naarestong babae ay kinilalang si Mary Joy Villarina residente ng Brgy. Pandac, Pavia, Iloilo City.


Isinagawa ang buy-bust operation nitong January 5 kung saan nakuha sa kaniya ang limang transparent plastic bags na may shabu at ₱11,650.00 cash.

Siya ay sinampahan na ng kaukulang kaso.

Facebook Comments