Inamiyendahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang naunang memorandum circular hinggil sa pagbibigay ng 30-day grace period sa pagbabayad ng commercial o residential rent.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang pagbabayad ng upa ay magsisimula 30-araw kasunod ng petsa ng pagbawi ng community quarantine o kung nag-umpisa na ang negosyo o nakabalik na ang tenant sa trabaho.
Binigyang diin din ni Castelo na walang ipapataw na interest, penalty, o karagdagang fees sa mga hindi nabayarang upa sa loob ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang tenant ay mayroon ding option na magbayad sa pamamagitan ng anim na installments pagkatapos ng 30-day grace period.
Facebook Comments