30 araw na pilot run para sa dagdag passenger capacity sa mga PUV, tutukan ng PNP

Inatasan na ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar, ang PNP Highway Patrol Group na makipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) para makatulong sa pagsasagawa ng 30 araw na pilot run para sa pagdadagdag ng dami ng mga pasaherong papayagang sumakay sa mga Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay PNP Chief, handa ang PNP na magbigay ng tulong sa buong panahon ng pilot run para matiyak na masusunod ang minimum public health standards sa mga pampublikong sasakyan.

Ang pilot run ay magsisimula sa November 4, matapos aprubahan ng National Task Force against COVID-19 ang pagtaas ng operational capacity na mula sa 50% ay gagawing 70% para sa mga pampublikong sasakyang sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan tulad ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.


Facebook Comments