Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 30 na baboy na laman ng isang trak na naharang ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa checkpoint sa Mindanao Avenue sa Quezon City
Agad na isinailalim sa blood test ang mga tauhan ng BAI ang mga baboy na nagpapakitang ASF-infected.
Pagkatapos ng kumpirmasyon, ang mga baboy ay kinatay saka ibinaon sa central burial site.
Ang ginagawang pagharang ay bahagi ng pinaigting na pagsisikap ng BAI na subaybayan at kontrolin ang pagpasok ng mga baboy sa bansa, partikular na sa patuloy na ASF outbreak.
Patuloy umanong makikipagtulungan ang kagawaran sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng industriya ng baboy sa Pilipinas.
Hinimok naman ng BAI ang mga hog raiser at transporter na sumunod sa lahat ng mga regulasyon at biosecurity protocol upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng ASF.
Kamakailan ay itinaas ng Department of Agriculture (DA) ang indemnification para sa ASF-infected na mga baboy upang hikayatin ang mga hog grower na isuko ang kanilang mga may sakit na hayop para katayin.
Ang mga magsasaka ay babayaran ng P4,000 para sa bawat infected na biik, P8,000 para sa mga grower at finisher na mababa sa 75 kilo, habang P12,000 naman ang babayaran sa bawat sow at baboy na isusuko para sa katayan.
Ang mga nagmamay-ari ng mga infected na baboy na nahuli sa mga checkpoint ng mga hayop ay hindi mababayaran ng danyos at maaaring maharap pa sa mga kaso.