30 BuCor guards, iniimbestigahan kaugnay ng “E-wallet corruption scheme” sa Bilibid

30 mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang iniimbestigahan ngayon ng pamunuan ng BuCor dahil sa pagkakasangkot sa mobile wallet corruption scheme sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay acting BuCor Chief Gregorio Catapang, ang naturang mga tauhan ng BuCor ay isinailalim na sa preventive suspension.

Tiniyak din ni Catapang na kakasuhan nila ang naturang BuCor guards dahil sa pagsasagawa ng illegal activities sa loob ng BuCor.


Una nang nagsumbong ang ilang inmates sa paniningil sa kanila ng ilang Bilibid guards ng ₱100 sa bawat ₱1,000 na pinapadala sa kanila ng kanilang mga kaanak sa pamamagitan ng sikat na E-wallet application.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang ₱300,000 na kinita ng mga ito mula sa nasabing iligal na aktibidad.

Facebook Comments