30-days grace period sa pagbabayad ng upa, umiiral pa rin sa GCQ ayon sa DTI

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na epektibo pa rin sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang pagbibigay ng 30-days grace period sa pagbabayad ng residential at commercial rent.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kailangang matiyak na makakabangon ang mga negosyo matapos ang ilang buwang nasa ilalim ng lockdown restrictions.

Iginiit ni Lopez na walang dapat mangyayaring eviction dahil sa kabiguang magbayad ng upa sa loob ng quarantine period.


Hindi rin dapat patawan ng interest, penalty, o iba pang change o fee ang hindi nabayarang renta.

Una nang nilinaw ng DTI na ang pagbabayad ng upa ay magsisimula 30 araw matapos ang pagbawi ng quarantine o pagsisimula ng trabaho o negosyo.

Facebook Comments