Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang 30% fuel subsidy para sa mga tsuper at operator ng Public Utility Vehicles (PUV) na apektado ng mahigpit na quarantine.
Ayon kay Dept. of Transportation (DOTr) Asec. Mark Richmund De Leon, iprinisinta ang proposal sa IATF meeting at agad naman itong in-adopt.
Bukod dito, in-adopt din ng IATF ang mungkahing magkaroon ng restructure sa kasalukuyang loans para sa mga PUV driver at operators.
Humiling na sila ng karagdagang loan programs para sa mga ito habang umiiral ang General Community Quarantine.
Aniya, ipa-follow up nila ang panukala sa Dept. of Budget and Management (DBM) para sa magiging paraan ng pag-download ng pondo para rito.
Sinabi naman ni Transportation Asec. Mark Steven Pastor, tinatayang nasa 8.8 Billion Pesos ang kailangan para sa pagbibigay ng subsidy sa PUV drivers at operators sa iba’t-ibang panig ng bansa.