30 ibat-ibang klase ng armas ng terorista, narekober ng Militar sa Marawi City

Manila, Philippines – Narekober ng militar ang tatlumpung ibat ibang klase ng armas na pinaniniwalaang pag-aari ng Daesh Inspired Maute Terror Group sa lungsod ng Marawi kahapon ng umaga matapos ang dalawangput anim na araw nang ideklara ang Marawi liberation.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-Ann Petinglay alas-7:00 ng umaga kahapon ng marekober ang mga armas.

Nakuha ang mga ito sa lake area sa harap ng isang gusali na nagsisilbing last stand ng mga terorista sa Barangay Marinuat Marawi City nang magsagawa ng clearing operation ang mga waterborne personnel ng AFP.


Sinabi pa ni 1st Infantry Division Commander Brig General Roseller Murillo ang mga armas na nakuha ay isang caliber 50 machine gun, tatlong M60 machine guns, 12 M14 rifles, apat na caliber 50 sniper rifles, dalawang AK47 rifles, dalawang carbine rifles, tatlong FAL rifles, isang M79 rifle at dalawang M16 rifles

Sa ngayon ayon kay Petinglay nagpapatuloy ang search and rescue operation ng militar sa Marawi City upang magkaroon ng gun-free at drug-free Marawi.

Facebook Comments