30 kabahayan, natupok ng sunog sa Las Piñas City

Manila, Philippines – Nasa 60 na pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos matupok ng sunog ang 30 kabahayan sa San Jose St. Daniel Fajardo Las Piñas.

Nagsimula ang sunog bandang alas dose. Dahil dikit-dikit at gawa sa light materials agad na itinaas sa 5th alarm ang sunog na idineklara nang under control pasado ala-una.

Sa bahay ng isang Nelson Mallari ang pinagsimulan ng sunog.


Nasa 250,000 ang tinatayang halaga ng ari-ariang natupok.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sumiklab na sunog.

Facebook Comments