30 kabataan mula sa isang home care center sa Lapu-Lapu City, Cebu, nagpositibo sa COVID-19

Aabot sa 30 kabataan at dalawang personnel mula sa government home care center sa Lapu-Lapu City, Cebu ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Mary Grace Carungay, officer mula sa City Epidemiological and Surveillance Unit (CESU), may agwat na 6 hanggang 17 anyos ang edad ng mga kabataang nagpositibo sa virus.

Dahil dito, sasailalim sa RT-PCR testing ang aabot sa 60 kabataan at iba pang staff upang malaman kung nahawa rin sa sakit.


Pag-amin pa ni Carungay, noong una ay dadaan lang dapat sa ordinaryong swab test ang mga residente ng pasilidad ngunit nagulat sila sa naging resulta nito.

Sa ngayon, isinailalim na sa lockdown sa loob ng 14 araw ang home care center at inihiwalay na ang mga nagpositibo sa virus.

Ang home care center ay tirahan ng mga kabataang lumabag sa batas, inabandona at mga biktima ng pang-aabuso.

Facebook Comments