Sugatan ang tatlumpong sakay ng tumaob na bus sa kahabaan ng Naguilian-Baguio City Road sa Burgos, La Union noong Sabado.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pababa sa Ilocos Region ang bus na nagmula sa Baguio City nang mawalan umano ng kontrol ang driver dahilan para bumangga ito sa isang poste bago tumaob.
Naitakbo sa pagamutan ang mga biktima sa insidente.
Matatandaan na nasugatan ang 41 katao na pasahero ng isang bus na may parehong ruta matapos muntikang mahulog sa bangin noong April 24 sa Naguilian, La Union.
Patuloy ang paalala ng awtoridad sa mga motorista upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









