30 kilo ng shabu, nakumpiska ng PNP-Drug Enforcement Group sa buy-bust operation sa Parañaque City at Taguig City

Nakakumpiska ang mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Southern Police District ng 30 kilogram ng shabu sa kanilang isinagawang hiwalay na buy-bust operation sa Don Bosco, Parañaque City at Western Bicutan, Taguig City, kagabi.

Sa ulat ng PNP-DEG, unang isinagawa ang buy-bust operation alas-6:32 kagabi sa isang salon sa 156 Don Bosco, Parañaque City kung saan nakuha ang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱81.6 milyon kina Suboh Omal Abdul, 29-anyos, at Alvin Abdul Amiril, 40-anyos, kapwa residente ng Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Alas-10:00 naman kagabi nang ikinasa ang buy-bust operation sa Waterfun, Taguig kung saan nakumpiska ang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱122.4 milyon.


Naaresto naman si Ebrahim Dimakiling, 33-anyos, isang online seller at residente ng Manggahan Western Bicutan, Taguig City.

Facebook Comments