30 LGU sa ARMM kandidato sa SGLG Award 2018- DILG ARMM

Nasa tatlumpong mga Local Government Unit mula sa ibat ibang lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kandidato at inaasahang muling makakatanggap ng Seal Of Good Local Governance Award ngayong taon.

Itoy sa kabila ng mas malaking responsibilidad at qualification para sa mga aspiring LGUs pahayag sa DXMY ni ARMM Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Kirby Abdullah.

Kaugnay nito, kumpyansa ang kalihim na muling mamayagpag ang mga LGU sa rehiyon para magpapatunay ng repormang nasimulan ni ARMM Governor Mujiv Hataman para sa mga Bangsamoro partikular ang pagbibigay ng tamang pamamahala .


Matatandaang noong 2017, 20 mga LGU mula ARMM ang binigyang pagkilala ng DILG at ginawaran ng SGLG Award.

Ang SGLG ay ginagabayan ng provision ng Republic Act 716 o ng Local Government Code of 1991, ang General Appropriations Act of 201 at Administrative Order No. 267 of 1992. Ito ay progresibong assessment system na ipinatupad ng departamento upang mabigyan ng parangal at pagkilala ang mga pambihirang local government performance sa maraming lugar.

Kinakailangan pumasa ang LGU sa apat na core areas na tinawag na Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, at ang Peace and Order. Dapat rin silang pumasa sa kahit isang essential area na Business Friendliness and Competitiveness, Tourism, Culture and the Arts, at Environmental Protection.
BPI ARMM PIC

Facebook Comments