
Magpapatayo sa susunod na taon ng halos 30,000 na bagong silid-aralan na aabot ng P68 billion.
Nasa P19.3 billion ang idinagdag sa pondo mula sa P48.7 billion na orihinal na alokasyon para sa pagpapatayo ng mga classrooms sa ilalim ng 2026 General Appropriations Bill (GAB).
Limang ulit naman na mas mataas ang P68 billion na pondo kumpara sa naging rekomendasyon ng National Expenditure Program (NEP).
Binigyang-diin ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na sa ilalim ng panukalang national budget ay bibigyan ng flexibility ang Department of Education (DepEd) upang makapagpatayo ng mga silid-aralan.
Sa ilalim ng probisyon ay maaaring pasukin ng DepEd ang mga kasunduan sa mga LGU at civil society organizations para sa pagpapagawa ng mga classrooms habang sa mga lugar na humaharap sa isyu ng peace and order ay maaaring makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).









