Aabot sa halos 30 lindol ang naitala ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Araw ng mga Puso.
Sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS, ang pinamakalas na pagyanig ay magnitude 4.8 sa karagatan ng Davao Occidental dakong alas-8:37 ng umaga.
Naitala ang episentro nito sa 229 kilometers timog-silangan ng bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Tectonic ang pinagmulan at may lalim na 59 na kilometro.
Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Samantala, isang 3.7 magnitude ang naitala sa baybayin ng Patnugon sa Antique, alas-3:56 ng hapon.
Tectonic din ang pinagmulan at wala namang inaasahang pinsala.
Facebook Comments