Aabot sa 30-million doses ng Pfizer-Biontech vaccine ang na-secure ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagbabakuna ng mga batang nasa edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasunod na rin ito ng magandang negosasyon ng pamahalaan at ng kompanyang Pfizer para suplayan ng anti-COVID vaccine ang nasabing age group.
Sa Lunes, Pebrero a-syete, aarangkada na ang vaccination rollout para sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Ilalatag ito sa anim na vaccination site sa National Capital Region na kinabibilangan ng Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa at Fil Oil Gym sa San Juan City.
Sisimulan naman sa Martes ang expansion ng bakunahan sa 38 pang lugar sa Metro Manila, Region 3 at 4A.