30-M pasahero, inaasahang maitatala sa NAIA hanggang sa katapusan ng 2022

Inaasahan na ng Manila International Airport Authority ang lalong pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ngayong holiday season.

Sabi ni MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Co, dahil ito ang unang taon na maluwag na ang halos lahat ng COVID-19 restrictions ay asahan na ang mas mahabang peak season.

Samantala, posibleng pumalo hanggang 30 milyon ang bilang ng mga maitatalang pasahero sa NAIA ngayong 2022.


Mas mababa ito sa 48 million passengers na naitala noong pre-pandemic o noong 2019 pero mas mataas naman kumpara sa 6,659,113 passengers noong 2020 at sa 5,136,075 noong 2021.

Itinaas na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa high alert status ang 42 commercial airports sa bansa bilang paghahanda sa surge ng mga pasahero ngayong Holiday season.

Facebook Comments