30 MAGSASAKA NA APEKTADO NG ASF SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, NABIGYAN NG TULONG PANGKABUHAYAN NG CITY VETERINARY OFFICE

SAN FERNANDO, LA UNION – Bilang suporta sa magsasakang hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) nitong pandemya, binigyan ang 30 sa kanila ng kanya-kanyang apat na biik at apat na sako ng feeds, sa pangunguna ng City Veterinary Office.

Inaasahang aabot sa mahigit PhP 15,000 ang kikitain ng mga benepisyaryo matapos ang apat na buwang pagpapakain at pag-aalaga sa mga biik.

Ayon sa Memorandum of Agreement kasama ang City Government of San Fernando, may parte ring maibabalik sa siyudad upang makatulong sa gastos sa produksyon ng higit na marami pang magsasaka.


Bago ang pamamahagi ng tulong, siniguro rin ni City Veterinary Officer Dr. Flosie Decena ang pagbibigay ng mga seminar sa hog raisers ukol sa pag-iwas sa impeksyong dulot ng ASF.

Magpapatuloy din ang programa sa mga susunod na buwan para sa iba pang magsasaka. | ifmnews

Facebook Comments