30 Mangingisda sa City of Ilagan, Binigyan ng Bagong Bangka!

344

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng mga bagong non-motorized banca ang 30 mangingingisda sa Lungsod ng Ilagan.

Personal na ibinigay ni City Mayor Jay Diaz ang 50 na bangka sa mga mangingisda kasama ang ilan pang mga kagamitan para sa kanilang panghanap buhay.


Ito ay bilang bahagi sa programa ng pamahalaang lokal ng Ilagan katuwang ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) region 02.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Diaz, maliban aniya sa mga marginalized farmers na binibigyan ng ayuda ay dapat mabigyan din ang mga mangingisda upang sabay-sabay na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Bahagi rin aniya ito ng patuloy na pagbibigay serbisyo publiko para sa pagsulong at pag-unlad ng lungsod ng Ilagan bilang ‘Liveable City’.

Facebook Comments

From Advertisers