Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang tatlumpung (30) miyembro ng Militiang Bayan (MB) mula sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan sa himpilan ng pulisya.
Nakumbinsi ang mga dating kasama ng CPP-NPA na magbalik-loob sa gobyerno dahil na rin sa patuloy na pagsasagawa ng programang Lingkod Bayanihan Project sa ilalim ng EO 70 at National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Nagpapasalamat naman ang PNP Sto. Niño sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang kapitan ng barangay sa nasabing bayan na sina Brgy. Kapitan na sina Brgy. Capt. Erwin Oli ng Brgy. Abariungan Uneg, Brgy. Capt. Rolly Pillos ng Brgy. Calassitan, at Brgy. Capt. Jocelyn Ramos ng Brgy. Balagan.
Malaking tulong ang ginawang pakikipag-ugnayan ng mga nabanggit na opisyal sa PNP Sto. Nino sa pamamagitan ng Pulis sa Barangay na nakakalat sa mga nasabing barangay.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang mga nagbalik-loob upang sumailalim sa ilang proseso.