30 milyong Pilipino, makikinabang sa target ng gobyerno na pagpapatayo na anim na milyong housing units sa loob ng 6 na taon

Aabot sa 30 milyong Pilipino ang magkakaroon ng bahay sa target ng pamahalaan na magtayo ng anim na milyong bahay sa loob ng anim na taon.

Ito ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino Program naglalayong magkaroon nang maayos na bahay ang lahat ng mga Pilipino.

Sa mga makaka-avail nito ay susuportahan ng government financial institutions (GFIs) at mga pribadong bangko na nagbibigay ng development loans at end-user financing at iba.


May monthly amortization ang mga pabahay na ito pero nababawasan ang interest at monthly amortization.

Ang local government units (LGUs) ang nagunguna sa pagtukoy sa mga indibidwal na maaring makakuha ng housing unit sa tulong ng mga private sector developers at contractors bilang partners.

Batay sa ulat ng Office of the Press Secretary as of December 22, 2022, nakapirma na ang Department of Human Settlements and Development (DHSUD) at 39 LGUs at walong provincial LGUs ng 47 Memorandums of Understanding.

Ang mga LGU ay nagpahayag na committed na tutulong sa paghahanap ng lugar para makapagtayo ng housing units sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments