30 Pinoy sa Thailand, tinamaan ng COVID- 19

Mula sa kabuuang 30,000 Pilipino na naninirahan ngayon sa Thailand, 30 sa mga ito ang tinamaan ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes na sa nasabing bilang, 27 na ang fully recovered at 2 na lamang ang aktibong kaso sa kasalukuyan.

Isa naman aniya ang nasawi nito lamang Hulyo.


Kasunod nito, nakikipag-ugnayan na sila sa naulilang pamilya ng biktima upang maipahatid ang anumang tulong ang maipagkakaloob ng Embahada.

Ani Paredes, laking pasasalamat nila na kahit mataas ang kaso ngayon ng COVID-19 sa Thailand dahil sa napasok na ito ng Delta variant ay kakaunti lamang ang mga Pinoy ang nahawaan ng naturang sakit.

Facebook Comments