Iniulat ni Philippine National Police Officer-in-Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar na 30 mga PNP Health Care workers ang naturukan na ng AstraZeneca vaccine simula kaninang umaga.
Ayon kay Eleazar, 51 ang nagparehistro ngayong araw para mabakunahan ng AstraZeneca vaccine.
As of 11 AM kanina, 30 na ang nabakunahan habang 12 ay umatras magpabakuna matapos sumailalim sa medical screening.
Una nang iniulat ni Eleazar na dumating na ang 700 doses ng AstraZeneca Vaccine na nakalaan sa PNP, pero 350 PNP health care workers lamang nila ang mababakuhan nito dahil ang 350 ay ibibigay para sa kanilang pangalawang dose.
Ito ay ibabakuna sa mga health care workers nilang hindi nabakunahan ng Sinovac vaccine kamakailan.
Facebook Comments