30 pulis, kabilang ang dalawang heneral ng PNP, kinasuhan ng DOJ dahil sa umano’y palabas na drug raid sa Tondo, Maynila noong 2022 kung saan nasabat ang ₱6.5-B na halaga ng shabu

Sinampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang 30 miyembro ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang dalawang heneral na sangkot sa pagtatanim ng ebidensya at unlawful arrest sa isinagawang drug raid sa Maynila noong October 2022.

Sa Malacañang press briefing, iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), DOJ, at National Police Commission (NAPOLCOM), na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga pulis partikular na ang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Section 29.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina:


1) PLTGEN Benjamin D. Santos, Jr.
2) PBGEN Narciso D. Domingo
3) PCOL Julian T. Olonan
4) LTCOL Dhefry A. Punzalan
5) PLT Jonathan G. Sosongco
6) PMSG Carlos C. Bayeta
7) PAT Hustin Peter A. Gular
8) PAT Rommer I. Bugarin
9) PAT Hassan O. Kalaw
10) PAT Dennis L. Carolino
11) PCPL Joshua Ivan Baltazar
12) PAT Nathaniel Gomez
13) PLT Ashrap T. Amerol
14) PSMS Jerrywin H. Rebosora
15) PSMS Marian E. Mananghaya
16) PMSG Lorenzo S. Catarata
17) PSSG Arnold D. Tibay
18) PCOL Arnulfo G. Ibañez
19) PLTCOL Glenn C. Gonzalez
20) PMAJ Michael Angelo C. Salmingo
21) PLT Randolph A. Piñon
22) PAT Mario M. Atchuela
23) PAT Windel C. De Ramos
24) PLT Silverio P. Bulleser I I
25) PCMS Emmanuele E. Docena
26) PMSG Alejandro F. Flores
27) PCPL Jhan Roland L. Gelacio
28) PAT James G. Osalvo
29) PAT Darius R. Camacho
30) PMSG Rodolfo B. Mayo

Nag-ugat ang reklamo mula sa isinagawang buy-bust operation laban sa Wealth and Personal Development Lending Inc. (WPD) sa Tondo, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto kay Nely Saligumba Atadero at pagkakasamsam ng 990-kilogram o ₱6.7 bilyon na halaga ng shabu noong Oktubre 8, 2022 at pagkakaaresto kay PMSG. Rodolfo B. Mayo noong 2022 sa Quiapo, Manila.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, tila may isang malaking sabwatan upang itago ang isang kriminal na negosyo sa loob ng PNP.

Si Mayo ay miyembro ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at isa sa mga respondent, at aaresto sa isinagawang “hot pursuit” sa Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila.

Pero ang pagkakaaresto umano kay Mayo at sa isang Nely Atadero sa umano’y buy bust operation ay palabas lamang at ang salaysay ng pulisya ay salungat sa CCTV footage na iprinisinta ng CIDG at ng NAPOLCOM.

Facebook Comments