30 sugatan sa lindol sa Italy

Umabot sa 30 katao ang sugatan sa 4.5 magnitude na lindol sa Italy.

Ang lindol ay resulta ng pag-aalburuto ng Mount Etna sa Sicily.

Gumuho ang ilang bahay at gusali dahil sa pagyanig at may mga nadaganan ding sasakyan.


Nagkaroon din ng matinding pinsala sa ilang simbahan.

Umabot na higit 130 pagyanig ang naitala mula nang pumutok ang bulkan nitong Lunes.

Patuloy din ang pagbuga ng itim na uso at abo ng bulkan.

Facebook Comments