30% to 40% ng transport operators at drivers sa bansa, hindi pa rin nakakapasada!

Nanawagan sa pamahalaan ang transport group na Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP) na payagan nang tumakbo ang iba pang linya ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay LTOP President Orlando “Ka Lando” Marquez, inihayag nito na nasa 30 hanggang 40 percent pa ng transports operators at drivers ang apektado ng pagsasara ng sektor ng transportasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Giit nito, walang na silang makain lalo na’t halos 80% ng jeepney drivers at operators ang hindi nakatanggap ng ayuda nitong pandemya.


Bukod dito, tinututulan din ng grupo ang plano na amyendahan ang Republic Act 2094 o Public Transport Utility Service Act na nagde-deregulate sa pagmamay-ari ng public transport service.

Binigyang-diin ng grupo na kung maipapasa ang nasabing batas ay maaaring nang magmay-ari ang mga dayuhan at mayayaman na magdudulot ng kahirapan sa mas nakararaming jeepney drivers at operators.

Facebook Comments