Patuloy ang ginagawang ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa Commission on Elections para i-fast-track ang overseas voting process.
Ito ay kaugnay sa nararanasang delay sa mailing o pagpapadala ng balota sa mga overseas voters.
Payo ng DFA sa mga overseas voters na di pa nakakatanggap ng balota ay kinakailangang makipag ugnayan sa Embahad at konsulada san mang dako ng mundo.
Kasunod nito inaasahan ng ahensya ang mas mataas na voters turnout ngayong May 13 Midterm Elections.
Sa datos ng DFA 1,822,115 Million Overseas Filipinos ang nagpatala ngayong halalan kung saan 794,286 ay pawang mga newly-registered.
Sa pagtaya ng DFA-Overseas Voting Secretariat 30 percent to 50 percent o 548,764 hanggang 914,607 ang inaasahang voters turnout ngayong Eleksyon 2019.
Nabatid na nag umpisa ang overseas absentee voting nuong April 13 at magtatapos sa May 13 2019.