Mananatili ang operasyon ng Department of Justice (DOJ) sa 30% work capacity onsite.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang iba nilang empleyado ay magpapatuloy sa work-from-home arrangement.
Hindi naman palalawigin ng DOJ ang lockdown na magtatapos ngayong araw ng Martes.
Ito ay matapos na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga kawani ng DOJ.
Una nang isinailalim sa dalawang beses na lockdown ang DOJ matapos na sunud-sunod ang naitalang mataas na kaso ng COVID-19 sa mga kawani nito.
Facebook Comments