300 Aktibong Kaso ng COVID-19, Naitala sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 300 ang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod ng Santiago.

Sa tala ng City Health Office as of April 24, 2021, nakatapagtala ang Lungsod ng 75 na panibagong kaso na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibo sa 300.

Tumaas naman sa 3,403 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 matapos madagdagan ng 84 na bagong nakarekober.


Ang Lungsod ng Santiago ay mayroon nang naitala na 74 COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 3,777 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso sa Lungsod ng Santiago.

Facebook Comments