300 bagong patrolmen at patrolwomen, nanumpa sa PRO 7

Nanumpa na bilang mga bagong miyembro ng Police Regional Office (PRO) 7 o Central Visayas ang 300 patrolmen at patrolwomen.

Isinagawa ang oath-taking ceremony sa pangunguna ni PRO 7 Regional Director Police Brigadier General Anthony Aberin sa Camp Jessie Robredo sa Consolacion, Cebu.

Nagmula ang mga bagong pulis sa Attrition Recruitment Program ng PRO 7.


Sasailalim sila sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course.

Ito ang unang yugto ng Field Training Program na pagdadaanan ng mga bagong alagad ng batas.

Facebook Comments