Aabot sa 300 child laborers sa Ilocos Region ang tumanggap ng maagang pamasko mula sa Department of Labor and Employment Region 1.
Ito ay sa ilalim ng programa na Project Angel Tree ng kagawaran na layong mabigyan ng learning supplies, hygiene kits, advocacy material at food items.
150 benepisyaryo mula sa Pangasinan na mula sa bayan ng Basista, Mangaldan , Mapandan, Calasiao,San Jacinto, sta. Maria at Sison. 50 sa La Union, 50 sa Ilocos sur at 50 sa Ilocos Norte.
Nais ipaabot ng kagawaran na sa naturang proyekto may gobyernong aagapay hindi lamang sa kanila kundi maging sa kanilang pamilya. |ifmnews
Facebook Comments