Aabot sa 300 vials ng Coronavirus vaccines ang nasayang sa nangyaring sunog sa Centers for Health Development sa Misamis Oriental.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinuturing nang “wastage” ang naturang mga doses dahil posible kasing nagbago na ang kanilang mga temperatura dahil sa init ng sunog.
Aniya, mga tira mula sa vaccination rollout ng lalawigan ang mga naapektuhang vaccine doses.
Kasabay nito, tiniyak ni Vergeire na hindi naman makakaapekto sa supply ng COVID-19 vaccines sa bansa ang mga nasayang na doses ng bakuna.
Mayroon din aniya nilaan para sa reserbang stock ng bakuna bunsod ng pagkasira ng 30 vials ng COVID-19 vaccine.
Nilinaw rin ng DOH na mga doses ng bakunang gawa ng Sinovac ang naapektuhan ng sunog at hindi ang sa AstraZeneca.